Nung highschool ako, kilalang kilala ko na'tong lalaking to. Kilalang kilala kasi naman siya sa campus namin. Gwapo siya at maangas. Isang tingin mo lang sa kanya, mapapahanga ka na. Maappeal siya. At oo, nagustuhan ko siya. Noon yun. Pero mas minabuti kong wag mapalapit sa kanya. Wag tumingin sa kanya. Dahil sigurado ako, ang mga tipo niyang lalaki, ay mga tipo ng lalaking hinding hindi mapapansin ang mga tipo ko.
Pero aaminin ko, naging mahirap sakin ang pagtago ng feelings ko para sa kanya. Minsan, natanong ko ang sarili ko? Baka naman nagkakamali ako? Baka may pag-asang mapansin niya rin ako. Gaya ng mga babaeng nalilink sa kanya.. ngingitian din niya ako at magiging close din kami. Pero masyado akong naging bato. Ayokong maging kagaya ng mga babaeng nalilink sa kanya. Gusto ko, ibahin niya ako. Kung mapansin man niya ako. Gusto, iba ako sa paningin niya. Gaya ng pagtingin ko sa kanya, gusto ko hangaan din niya ako.
Pero masyadong naging madamot ang tadhana sakin. Siguro nga, walang mangyayari kung wala akong gagawin. Pero gumawa. Ayokong magpapansin sa kanya. Gusto ko, siya ang pumansin sakin. Pero.. alam naman natin na napakaIMPOSIBLE nun.
Rinding rindi na ako sa mga kaklase kong palagi siyang tinatawag. Naiinis naman ako kapag nginingitian niya ang mga to. Sana ako din! ngitian niya rin! Sana pansinin naman niya ako. Pati bestfriend ko, kaclose niya. Diba kung tutuusin, sobrang lapit ko na nga sa kanya. Madami naman akong kaibigan na kaclose niya. Pero bakit ganon.. hindi parin niya ako mapansin. Kung tititigan ko ba siya? Lilingon siya at ngingiti? Pero paano kung hindi..
Malapit na ang JS. Alam ko naman na hindi niya ako isasayaw e. Pero hinihiling ko parin.
WALA NA TALAGA AKONG PAG-ASA.
Hanggang sa malaman ko, napapasok siya sa school na papasukan ko sa college.
Pero matagal pa yun, siguro dapat kalimutan ko muna siya.
At gaya ng inaasahan ko, nagwowork naman. Hindi ko na siya titingnan. Hindi ko na siya iisipin. Ayoko na. Infatuated na ako sobra sa kanya. Wala naman tong patutunguhan diba?
"Tapos ka na ba dyan sa tinatype mo?" exaktong tanong naman ni Gae.
"Oo--" naakatinginan naman kami nung narinig na naman yung hiyawan sa labas. Oo, ganon kalakas. At mukhang alam ko na kung bakit -.-
Binuksan naman ni gae ang bintana ng aming classroom. Malapit lang kasi kami sa bintana. Nasa 2nd floor kami. Dumungaw siya sa baba ???
"Aww. Si Mr. Fajardo na naman atech! Kagwapo niya talaga!" at gaya pa rin ng dati. Kahit hindi na to ang campus namin nung highschool. Sikat parin siya. AT HINAHANGAAN NG LAHAT.
Akala ko. Kagaya lang to ng highschool life ko.
Na hindi rin naman niya ako mapapansin. Kahit na magustuhan ko muli siya.
Pero hindi..
Paano kung MAGING KAMI. Boyfriend-Girlfriend. Itreasure namin ang isa't isa. At kami ang maging Perfect Couple sa lahat ng mga couples. Mamahalin namin ang isa't isa. At magiging idealistic ang relationship namin. pero..
gaya din ng mga storya. May katapusan lahat. Masasaktan ako. Ipaglalaban ko siya. Gagawin ko ang lahat para maging kami uli. Pero wala na talaga.. hanggang sa magdecide na akong magmove-on. Kakalimutan ko siya. Magmamahal ako ng bago. Tapos in the end...
kakailanganin ko parin siyang balikan.
Patatawarin ko siya. At mag-istay ako sa tabi niya. At sa time na yun. Hinding hindi na ako susuko. Ipaglalaban ko na siya.
Kasi kukunin na siya sakin ni lord.
"Alam mo Gae, kahit na kelan. Hindi ko magugustuhan ang mga ganyang tipo." tumayo ako. At tiningnan naman ako ni Gae ng pinakaweird niyang look.